Onlayn vs. Tradisyonal na Pagtataya sa Filipino ng mga Piling Mag-aaral sa Filipino: Tungo sa Mabisang Pagtatasa at Propesyonal na Pag-unlad
Keywords:
Filipino, online, pagtataya, piling mag-aaral sa Filipino 7, tradisyonal, Online and traditional assessment, paper and pencil testAbstract
This research study aims to assess the effective assessment methods and suggest effective assessment or test methods as well as to assess student learning using lessons prepared and taught by the researcher covering the third quarter lessons. The researcher personally went to the homes of the students belonging to the traditional assessment (paper and pencil test) who were required to answer a pretest and posttest, meanwhile the students who were assessed were included in the online test to answer the pretest and posttest using the google form. The researcher used thirty-nine (39) selected respondents in grade 7-Faraday of the aforementioned school. There were 27 girls and 12 boys in the said group. To accomplish this, the researcher examined and analyzed the obtained data with the help of statistical tools. From this, it was found that the score obtained by grade 7-Faraday students using the online assessment is higher than the traditional assessment (paper and pencil test). This research study also revealed that students in grades 7-Faraday learn the same whether online or traditional. Based on the outcome of the gathered data, the researcher suggests continuing to use the same teaching method and the method forecasting because it shows the progress in the students’ learning. In addition to the use of survey form for the test, the researcher also used slides for presentation to teach the lesson on grammar and literature, and used other innovative strategies and applications in the online class in other parts of the teaching to be more motivating and engaging class and for the students to participate, and study in the Filipino subject.
Abstrak
Nakatuon ang pananaliksik na ito sa onlayn vs. tradisyonal na pagtataya sa Filipino ng mga piling mag-aaral sa baitang 7 sa Paaralang Sekundaryang Quirino sa Lungsod Quezon. Nilalayon nitong mataya ang epektibong pamamaraan sa pagtataya at makapagmungkahi ng epektibong paraan ng pagtataya o pagsusulit gayundin upang mataya ang pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang mga inihanda at itinurong aralin ng mananaliksik na sumasaklaw sa ikatlong markahan. Pinuntahan ng personal ng mananaliksik sa kani-kaniyang mga tahanan ang mga mag-aaral na kabilang sa tradisyunal na pagtataya (paper and pencil test) na kinakailangang sumagot ng paunang pagsusulit o pretest at pangwakas na pagsusulit o posttest, samantala ang mga mag-aaral na kabilang naman sa onlayn na pagtataya (online tests) ay sumagot ng paunang pagsusulit o pretest at pangwakas na pagsusulit o posttest gamit ang google form. Ginamit ng mananaliksik ang tatlumpung (39) na piling mag-aaral bilang respondente sa Baitang 7-Faraday ng nabanggit na paaralan. Mayroong 27 bilang ng mga kababaihan, samantala 12 bilang naman ng mga kalalakihan ang nasabing pangkat. Upang maisagawa ito, gumamit ang mananaliksik ng ekperimental pretest at posttest na disenyo. Sinipat at sinuri ng mananaliksik ang mga nakuhang datos sa tulong ng statistikal tool. Mula rito, nalaman na mas mataas ang nakukuhang puntos o iskor ng pagsusulit ng mga mag-aaral sa Baitang 7-Faraday gamit ang onlayn na pagtataya (online test) gamit ang google form kaysa sa tradisyunal na pagtataya (paper and pencil test). Lumabas din sa pag-aaral na parehong natututo ang mag-aaral sa Baitang 7-Faraday maging ito man ay tradisyunal o onlayn. Batay sa kinalabasan ng nakalap na datos, iminumungkahi ng mananaliksik na patuloy na gamitin ang parehas na kaparaanan sa pagtuturo at sa paraan ng pagtataya nito sapagkat ito naman ay nagpapakita ng pag-unlad sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Bukod sa ginamit na google form para sa pagsusulit, gumamit din ang mananaliksik ng ms powerpoint sa pagtuturo ng araling panggramatika at panitikan, gumamit pa ng ibang inobatibong estratehiya at aplikasyon sa onlayn na klase tulad ng quizzes at mentimer sa ibang bahagi ng pagtuturo upang mas maganyak pa ang mga mag-aaral na makilahok at mag-aral sa asignaturang Filipino.
References
Al-Qdah, M., Ababneh, I. (2017). Comparing Online and Paper Exams: Performances and Perceptions of Saudi Students. ‖ International Journal of Information and Education Technology, Vol. 7, No. 2, February 2017
Arliza, A. L., Bontilao, V. A., Mata, A. M. T., Pantuan, M. Y. B., Sombilon, R. J. C. (2011). Impluwensiya ng Alternatibong Pagtataya sa Pagkatuto ng mga Estudyante sa Filipino 2
Boitshwarelo, B., Reedy, A.K. & Billany, T. Envisioning the use of online tests in assessing twenty-first century learning: a literature review. RPTEL 12, 16 (2017). https://doi.org/10.1186/s41039-017-0055-7
Candrlic, S., Katic, M.A., Dlab, M.H., (2014). Online vs. Paper-Based Testing: A Comparison of Test Results.
Tasic, J. (2016). Ang Kahalagahan ng Asignaturang Filipino sa K-12. ‖ Jasareno, L.J. (2012).Filipino Bilang Asignatura.
Zamora, N.C.L. (2016). Pagtataya sa Modularisasyon ng K-12 sa Asignaturang Filipino: Tungo sa Pagbuo ng Modelo ng Ebalwasyon para sa Kagamitang Panturo na Tutugon sa ika-21 Siglong Kasanayan.